Download Print deze pagina

NOCO Genius GENIUS10EU Handleiding pagina 280

Advertenties

Beschikbare talen
  • NL

Beschikbare talen

  • DUTCH, pagina 67
Paggamit ng 6V. [Pindutin nang Matagal sa loob ng 3 segundo]
Nakadisensyo ang 6V charge mode para lang sa mga bateryang 6-volt lead-acid, tulad ng Wet Cell, Gel Cell, Enhanced Flooded, Maintenance-Free at Calcium na mga baterya. Pindutin
nang Matagal sa loob ng tatlong (3) segundo para pumasok sa 6V Charge Mode. Konsultahin ang manufacturer ng baterya bago gamitin ang mode na ito.
Paggamit ng 12V Lithium.
Nakadisenyo ang 12V Lithium charge mode para lang sa mga bateryang 12-volt lithium-ion, kabilang ang lithium iron phosphate.
BABALA. GAMITIN ANG MODE NA ITO NANG MAY LABIS NA PAG-IINGAT. DAPAT LANG GAMITIN ANG MODE NA ITO SA 12-VOLT LITHIUM NA MGA BATERYA NA MAY BUILT-IN
NA BATTERY MANAGEMENT SYSTEM (BMS). GINAGAWA AT BINUBUO ANG MGA BATERYANG LITHIUM-ION SA IBA'T IBANG PARAAN AT ANG ILANG AY MAAARING MAYROON
O WALANG BATTERY MANAGEMENT SYSTEM (BMS). KONSULTAHIN ANG MANUFACTURER NG LITHIUM BATTERY BAGO ANG PAGCHA-CHARGE AT MAGTANONG PARA SA
INIREREKOMENDANG MGA ANTAS AT BOLTAHE NG PAG-CHARGE. MAAARING HINDI STABLE AT HINDI ANGKOP SA PAGCHA-CHARGE ANG ILANG LITHIUM-ION BATTERY.
Paggamit ng 13.6V Supply. [Pindutin at Pigilan Nang 3 Segundo Gamit Ang Mga Clamp Na Hindi Nakakonekta]
Kino-convert ng 13.6V Supply ang charger sa isang hindi nagbabagong kuryente, hindi nagbabagong DC power supply. Maaari itong gamitin para bigyan ng power ang mga device na 12VDC,
kabilang ang; mga pambomba ng gulong, pamalit ng langis, coffee pot, seat heater at marami pa. Bilang power supply, maaari rin itong gamitin upang magpanatili ng mga setting ng on-board
computer ng sasakyan kapag nag-aayos o nagpapalit ng baterya. Nagbibigay ang 13.6V Supply ng 13.6-volts sa 10A na may proteksyon sa overload sa 12A (Max).
BABALA. GAMITIN ANG MODE NA ITO NANG MAY MASIDHING PAG-IINGAT. HINDI GUMAGANA SA SUPPLY MODE ANG MGA FEATURE PARA SA KALIGTASAN AT MAYROONG BUHAY NA
KURYENTE SA MGA KONEKTOR. HUWAG HIHIPUIN ANG MGA KONEKSYONG NAKAKABIT. MAY PANGANIB NG PAGKISLAP, PAG-APOY, PAGSABOG, PINSALA SA ARI-ARIAN, SUGAT, AT KAMATAYAN
Paggamit ng 12V Repair. [Mula sa Standby Pindutin at Pigilan Nang 3 Segundo Gamit Ang Mga Clamp Na Nakakonekta sa Baterya]
Ang 12V Repair ay isang advanced na recovery mode ng baterya para sa pag-aayos at pag-iimbak ng luma, hindi ginagamit, may damage, stratified o sulfated na mga baterya. Hindi lahat ng
baterya ay maaaring i-recover. Madalas na nasisira ang mga baterya kung itinabi nang may mababang charge at/o hindi nagkaroon ng pagkakataong ma-full charge. Ang mga pinakakaraniwang
problema sa baterya ay ang sulfation at stratification ng baterya. Ang sulfation at stratification ng baterya ay parehong artipisyal na magtataas sa open circuit voltage ng baterya, na nagsasanhi
sa baterya na magmukhang fully charged, habang nagbibigay ng mababang kapasidad. Gamitin ang 12V Repair sa pagsubok na maayos ang mga problemang ito. Para sa mga piankamahusay
na resulta, idaan ang 12-volt na baterya sa buong full charge cycle, nang nafu-full charge ang baterya, bago gamitin ang mode na ito. Ang antas ng sulfation na matatagpuan sa baterya ay
tutukoy sa boltahe na ipinapasok sa baterya (hanggang sa 16.5V). Maaaring umabot ang 12V Repair ng hanggang apat (4) na oras para matapos ang proseso ng pag-recover at babalik sa
Standby kapag natapos.
BABALA. GAMITIN ANG MODE NA ITO NANG MAY PAG-IINGAT. PARA LANG SA 12-VOLT LEAD-ACID NA MGA BATERYA ANG MODE NA ITO. ANG MODE NA ITO AY MAAARING MAGRESULTA
SA MATAAS NA BOLTAHE NG PAGKAKARGA AT MAAARING MAGSANHI NG ILANG PAGKAWALA NG TUBIG SA MGA WET (FLOODED) CELL NA BATERYA. MALAMAN NA ANG ILANG BATERYA AT
ELECTRONIKO AY MAAARING SENSITIBO SA MGA MATATAAS NG BOLTAHE NG PAGCHA-CHARGE. UPANG MABAWASAN ANG PANGANIB SA MGA ELEKTRONIKO, IDISKONEKTA ANG BATERYA
BAGO GAMITIN ANG MODE NA ITO.
Force Mode [Pindutin nang Matagal sa loob ng 3 segundo]
Binibigyang-daan ng Force mode ang charger na manu-manong magsimula sa pag-charge kapag ang boltahe ng nakakonektang baterya ay masyadong mababa para matukoy.
Kung masyadong mababa ang boltahe ng baterya para matukoy ng charger, pindutin nang matagal ang button na mode sa loob ng 5 segundo para paganahin ang Force Mode,

Advertenties

loading